SSS.
Kasalukuyan kong namimiss ang SSS.
Ang mga sumusunod ay ang dahilan:
- Canteen
- Comfort Room
- Bicho-bicho
- Stairs
- Elevator
- Aircon
- Karyoka
- Up! .. Down!
- Computer ko sa office
- Bundy Clock
- Daily Time Record
- Route
- Xerox
- Maraming papel sa desk
- Malaking tinapay
- Mahal na ice cream
- Pressured water
- Floor mates
- Friends
- Best of Friends
Gusto kong pumunta, wala naman akong pupuntahan dahil pare-pareho na kaming tapos ng mga kaibigan ko dun. Di bale, JUNE FIVE TWO THOUSAND TWELVE. Malapit na yan. HAHAHA :D
meet my floor mates! :D 9th floor! UP! :D
Team Benefits :D
Ngayong tapos na ang aking OJT, allow me to share the persons whom I spend my OJT with. Hindi man kami OJT lahat, nakuwa naming magkasundo sa mga bagay-bagay :D
Bakit nga pala Team Benefits ang title nitong post na to? Well, ganito kasi yan. Nung pumasok ako bilang trainee sa SSS, napunta ako sa Benefits Administration. Pero under ako ng Sickness, Maternity and Disability Administration Department. Gets na? HAHAHA.
Bago pumunta sa mga department, may orientation muna para sa mga OJT ng mga basic chenes sa SSS. Dun ko nameet si Rose Ann Catequista. Rose na lang para punks \m/ After ng orientation, hanapan na ng mga department. Eh sakto, pareho kaming 9th floor. Nagsabay na kami. Siya pala, sa Benefits Administration din pero sa Retirement, Death and Funeral Administration Department. Pumasok na kami pareho tapos naghiwalay.

Hindi naman ganun kalaki yung department. Sapat lang. Pagdating ko sa division ko, nameet ko yung isang GIP dun. GIP - Goverment Internship Program. Mas kilala sila sa tawag na SY or Summer Youth. Ang pangalan niya ay Ana Bianca Carcillar. Bea for short :D Siya yung super kumausap at nagpaliwanag sakin ng mga dapat gawin. At isa sa mga super naging close ko. :D

Isa sa mga skills na natutunan ko habang OJT eh magxerox. Oo, magxerox. Bawal ba? HAHAHAHA. Ang xerox machine ay wala sa department namin. Nasa Office of the Vice President. HAHAHA. Oh, di ba? wagas! HAHAHA. May isang SY dun. Si Jeremiah Pius Mil Rubiano. Jerry na lang. HAHAHA. Bukod kay Bea, isa rin siya sa mga naging close ko nung OJT. Kung bakit, secret! HAHAHA :D

May 3 break sa SSS. 10.00-10.15, 12.00-1.00 at 3.00-3.15. Dito ko nameet si Faye Dayapera. SY din siya at ka’department ni Rose. Grabe, ang masasabi ko lang sa babaeng to? Maganda pero kalog :D

Nung nagkakila-kilala na kaming lahat, kami-kami na yung laging magkakasama kapag tatambay, gagala, kakain, magbubundy at uuwi. Sa mahigit isang buwan ko sila kasama, walang araw na hindi ako tumawa at magpicture’picture. Grabe lang.
I’ll surely miss them. Kaya sa June 5, sisiguraduhin kong makakasama ako sa gala. HAHAHA :D

Eto na.
Nakita ko na yung FB ng crush ko. Ang tagal ko to hinanap. HAHAHAHA. (Stalker Mode XD) Ngayon, i’aadd ko na ba? HAHAHA! HELP!
Kakaibang experience.
May 24, 2011 - Hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na to. Grabe.
3PM na yun sa office. At dapat break ko na, nung inutusan ako ng isa sa mga boss ko na pumunta sa isang lugar para may kunin. Paglabas ko ng office, at naghihintay na ako sa elevator, naramadaman ko na nahihilo na ako. Pero, ininda ko. Sabi ko pa sa sarili ko, STRONG AKO :D Nakarating na ako sa dapat patunguhan ko. Naghintay ng medyo matagal at dun pa lang, ramdam ko na iba na yung hilo ko. Nung nakuwa ko na yung pinapakuwa sakin, nagmadali ako ng lakad at pumunta sa pinakamalapit na CR. At, ITO NA. ISA KANG NAKAKAGULAT NA PANGYAYARI. Sumuka ako ng hindi ko alam ang dahilan.
Pagkatapos kong magsuka, pinilit kong bumalik sa 9th Floor. Para maibigay yung kailangan ng boss ko. Nilapag ko yung papel at umupo. Napansin ng kasama ko na GIP na iba itsura ko. Namumutla. Sabi ko, sumuka ako. Maya-maya, takbo ako ng CR. Sumuka uli. Ilang beses nagkaganun. At pinunta na nga ako sa Health Care Department.
Pagdating dun, di pa rin tumigil ang pagsusuka ko. Hanggang sa tinurukan na ako ng gamot. Grabe, INJECTION. Nakakaiyak. T_T Nawala ng saglitan ang pagsusuka. Nakaidlip. Pero ginising ulit ako dahil kailangan ko na raw isugod sa East Avenue Medical Center. Pagkagising ko, plastic pa rin ang hanap ko. Nasusuka ulit ako. Pagkatapos kong sumuka, isinakay ako sa wheelchair, binuhat papunta sa ambulansya, pinahiga sa stretcher, suka na naman, at nakarating na sa East Avenue. Pagdating dun, suka na naman. Ramdam ko na ang paghihina. At, may isang suka pa ako dun na may dugo. Gasgas na kasi talaga yung lalamunan ko kaka’suka.
Ininterview pa ako. Tinanong kung kailan last period ko. Sabi ko, nung 23. Akala ata nila, buntis ako. Grabe XD Kinuwanan ako ng dugo. Masakit, sobra. Titignan daw kung anong nangyari. Edi, sige.
Maya-maya, dinextrose na ako. Pinaupo at pinagpahinga. Dumating na si Mama. Niyakap ko siya ng mahigpit. Akala ko kasi, di na siya darating dahil kanina pa tintawagan pero walang response.
Hinayaan nya akong magpahinga. Nakatulog ako. Pagkagising ko, sabi ko, uwi na lang kami. Pagod na talaga ako. Gusto ko na humiga. Eh wala namang available na higaan. Buti pa sa bahay, meron. Ayaw pa sana nung doctor dahil namumutla pa ako. Na kakabalik pa lang daw ng lahat ng lakas ko galing sa suka. Sabi ko, iuwi na lang nila ako. Ayoko na talaga dun. Pumayag na yung doctor. Wala na siyang nagawa.
Hindi na namin hinintay yung resulta. Kaya palaisipan pa rin kung ano yung cause ng pagsusuka ko. Di bale, ok lang. Medyo ok na ako. At nakilala ko naman yung mga tunay kong kaibigan :* Thank you Bea at Jerry. :D

Ang tunay na kaibigan ay hindi nagagalit kapag ininsulto mo. Sa halip ay mag-iisip sila ng mga mas nakaka-insultong salita na ibabato sayo.
nickastig:

(Source: nickastig, via iammarielp)
Magtatapos na ang Mayo pero ngayon ko pa lang ilalabas tong litrato na to. HAHAHAHA. Super belated Happy Birthday Seksi! :D
Isa akong ignorante sa buhay. XD
Kahapon, masasabi kong tao na ako. Bakit? Dahil nakahawak na ako ng SLR! Hooray! :D Ito oh :D

So ayan nga, ang itim ko pero gora lang. Magkaroon lang ng picture na may hawak akong SLR. HAHAHAHA. Ginawa ko pang DP yan sa FB para proud XD HAHAHA!
Maraming maraming salamat lang sa may-ari nyan, si Lealle Anne. (Hala, tama ba spelling? HAHAHA). Pinahiram niya sa akin ang kanyang SLR at pinasaya niya ako ng saglit na panahon :D
One sweet kiss took away my breath.
Ito ang tumatak sakin na line sa kantang Captured.
1/73 older »
|